Monday, October 31, 2005

xeth

am i too egotistic? why am i using my alias as a topic? am i obsessed with the name? simple answer. NO.

i simply put it on the topic for the reason of INuniqueness.

i searched the net for the keyword "xeth" and the google returned a hundred different sites of differnt "xeth"es. one was even a girl from deviantART. and ow, she is good. there was even a comic book artist and stuff. a few are even famous ( ithink). maybe i don't deserve being "xeth" at all.

hmmm.. do you think i should change my alias? i still wondering because i've been using the alias "xeth" for about four years. i've been darklight, darth_xeth, and all but it was "xeth" that stuck to me. and i thought it was original. there isn't actually a true etymology but it was inspired by a biblical character (note the use of terms) of the same name. yep. i thought it sounded cool but a little change in the spelling would add to the novelty. hence, xeth was born.

now, here i am wondering if i should change alias. i was thinking about some alterations to symphonia or scythe. or maybe i should stick to xeth but with little alterations. hmmm.. i need all your help on this one. i need ALL of the help i can get.

thanx.......

Sunday, October 30, 2005

a priceless day

i woke up at 8am expecting to have a very busy day ahead of me. we are going somewhere at ten. prepared myself and waited in front of the television in the commonroom until i found out that the trip was will be postponed for an hour. okay. so i brought my guitar out and played waiting for tiem to pass by.

finally, we were out there. what did we do? just a quick lunch date (there were six of us). it was only my second time to eat in a thai restaurant. yeesh... buffet eat-all-you-can! they serve frogs (yes, the whole frog), shrimps, crabs, pork (was that really pork?), chicken (hopefully without birdflu) and sotanghon soup for the main course. then there was the salad. then the buko pandan (would you believe we passed by a local buko stand which sells coconut at NT80 a piece?). then the ice cream. and milk tea. and ice cream again. and the cola! yey! sheesh, i love being a freeloader! :D

yes, our host, the respected mr. raul paid for all those food. and he even is inviting us to go to taipei and meet his family. well, he's married to a taiwanese who doesn't speak english and father to two filipino kids who doesn't speak filipino. wenk.

he took us to one of the farigrounds in chongli which we didn't enjoy much because of the rain.--which made us think.. why does it always rain on weekends? yup. it does. but the morning after is always full of those bright warm(?) days.-- hmmm... i don't know, the weather was cool outside. too cool, in fact, it registered to be as low as 18degrees celsius. And i'm out there wearing a t-shirt and without a jacket.

and hey. their are KTV's here... the one where you rent a room to sing. and those MTV's... which does almost exactly the same except that they show movies. one movie, one sitting, just like those horrid (and expensive) theatres out there. now, if you're thinking that we would be saving if we were to go in there, you are wrong. the price difference is negligible at NT160 per person (theatres are NT250 each) considering the time delay that you would need to wait for. well, i'll be willing to watch that Initial D movie that i was hoping for. yey!

hmm.. i'm considering a hiatus mode from the whole internet from november 16 to 19. you ask why? to detach myself form those reviews of a certain movie that i would be dying to see (well, i'm obviously exaggerating... but i would really want to see the movie). yey. now, say no to those tempting luxuries in life to save for a much awaited movie that i would probably be... CORNY...

haha.. no offense to those die-hard fans(?) out there..

hmm.. note to one person. life doesn't revolve on that person alone. go out and enjoy the world out there. the future is broader than you might think... :D

Friday, October 28, 2005

asar

ayan.. naasar na ako. ang haba na ng tinaype ko at biglang nagloko ang bintana XP. ano ba kasi.. wart.



hehe.. di ko na tuloy maalala kung anong mga pinagsusulat ko dun sa nauna... ayun! mejo may idea na ako..




ang busy ng linggong ito. una, yung tutorial sa computer science. sunod yung essay sa english composition. biography ang hanap ni shit... este.. schmidt pala. tapos yung pinapagawang webpage ng office namin (yup, may deadline ang paggawa nun. at kelangan ko pang itranslate lahat... o ipatranslate... wart!). eto pa, yung project sa computer science na fifteen pages... hmm.. fifteen pages? hindi pa ako nakakagawa ng project na fifteen pages sa buong buhay ko. is it just me or talagang mahirap siya? deadline ay yung day before christmas. tapos.. tapos.... meron pang impending midterms... yung may concrete date pa lang ay yung sa calculus. sa ikalabing-isa ng nobyembre. peste. hindi na pinatawad ang kaarawan ko. tanging nanay na nobyembre yan... pahirap sa buhay.


tapos, nagungulelat pa ang sweldo ko. ewan ko ba kung bakit. siguro mga three hours max na ang namimiss kong work per week pero lumalabas na kulang ako ng twenty hours.. TWENTY HOURS!!!! isang linggong pagkain din yun! hindi ko alam kung anong nangyari. nakalista naman lahatng pagpasok ko. siguro may elyen na kumontrol sakin tuwing matatapos ang working hours ako na pinipigilan ang paglog ko sa time-in/time-out ko pero naiiisip ko na naglolog parin ako... ang "cool" siguro nun...


ang cute nung mga keychain sa vending machines dito. oo, granted na mahal siya at ang possibility na parehas ang makuha mo sa second try is about 20% at pataas ng pataas yung the more na tinatry mo siya. pero at least may makukuha ka (hindi tulad ng mga pesteng crane machine na yan).haiii... ayoko na...


ang buhay sa taiwan ay parang gulong ng palad. walang sense. kasi wala naman talagan gulong ang palad. bakit nga ba sa palad. pede namang gulong ng kotse. gulong ng kalesa. bakit nga ba palad? para magandang pakinggan? maganda nga bang pakinggan?
napakabland ng buhay dito. boring. tiring. nakakasawa. in short, boring, tiring at nakakasawa. obyus ba? bored na bored ako dahil hindi ko lama ang gagawin ko tuwing may time ako (pero hindi ko talga naiisip na gumawang mga requiements...). tiring kasi nakakatamad malakad papuntang computer room.. o seven11. nakakasawa kasi.. kasi paulit-ulit lang ang mga salitang ginagamit ko. napansin mo ba?


ayan, nawawalan na ng sense talaga. nawawala na ang reason sa utak ko. nawaala na ang utak ko...


ayan na.. parating na.. parating na talaga... parating na isang walang kakwenta-kwentang week-end.

Thursday, October 27, 2005

update

third skin now up!



imbecillesque skin was planned about three months ago but was delayed due to the difficulty of uploading and transferring data from the philippines.



this skin will soon be uploaded to blogskins.com along with the overly due naruto skin.



new skins are now in progress and will now be updated monthly... i think. please bear with it. :D



P.S. happy birthday carla marie anago!! :D :D :D

Wednesday, October 26, 2005

wo hen lei

haiii.. ang kulit ng maga bata. bat ko nga ba sinasabi to? kasi galing lang kami sa bahay-ampunan. school stunt.

yup, galing kami sa bahay ampunan. asteg siya! kaso hindi ko sila maintindihan. ako yung nagmumukhang batang tinuturuan. as in bawat sasabihin ko kelangan ko pang ipatranslate. walang growth ang chinese vocabulary ko. haha. pero atleast marunong na ako magtype ng chinese, sabihin lan gsakin yung bpmf at kwoh in okey na. edi hindi na kayo nakarelate sa mga pinagsusulat ko noh? ganyan din ang nararamdaman ko dito. mas malala nga lang.

ano ginawa namin? siyempre games. saka games. saka games. saka games uli. yun nga lang e. nawala na yung 7-point schedule namin sa programme. ay, may introduction din pala. kahit na pababago bago ang pangalan ko. ang cute talaga nung mga bata. lalo na yung hindi makulit. "so what's my name again?" "tiger" "no, not tiger.. gyver." "gaiwer" "that's close enough"

meron dung bata, english name nya ay Allen. ayaw akong bitawan. pati pagCR nya nagpapasama pa. pati pag-inom ng tubig at pagkuha ng prize, lagi akong hinihila. pero okey lang saken (kung hindi lang sana sumakit yung braso ko sa kakahila nya). masaya naman siya.

ayun. umaariba na social life ko. iniinvite na ako sa band practice nung "poker". dati nilang pangalan ay "whatever". haha. basta kelangan marami akong makilala. simula pa lang to. kelangan ng koneksiyon sa mundo. malay mo paglaki ko business partners na kami diba? hahahahaha..

ano pa ba meron sa araw na ito??? hmmmm... ayun. libreng lunch sa mcdo. haha. ano pa ba?

ay, ay, birthday ni Peter kahapon, ngayon ko lang mnabili regalo niya. haha.. mamaya k na lang siguro ibibigay after work (nasa work ako ngayon e). hehe..
Happy birthday!!!!!! Chocolate gift ko. Birthday chocolate. :D

haii.. nagring na yung hourly bell at tapos na work hours.. haii.. hanggang sa muli..

onga pala, malapit na maupload yung bago kong skin. sana mastered na. :D

Thursday, October 20, 2005

sa mundong ibabaw

sa lilim ng kisame sa ika-apat na palapag, ako'y naghihintay. ano? ano? ano nga ba ang hinihintay ko?


computer class, nakaupo sa isang sulok. ayokong gumalaw. naiipit at hindi makahinga. nangungulila.


kaarawan ng isang tao. aking binati ngunit wala siya sa kanilang bahay ngayon. kaarawan nga kasi. nagdiwang.


isa na namang walang kwentang bahagi ng buhay. upang panatilihin lamang na buhay ang blogang ito.


nananaginip. gising pa ba ako? buhay pa ba ako? hindi ako kumpleto kung wala kayo. tatlo oras lamang ang tulog. walang ibang iniisip kundi ang mundo.


ayokong mahuli ng guro. hindi naman nya ito maiintindihan. isang dayuhang wika. isang dayuhang mundo. isang maliit na mundo na ikaw at ako lamang ang nakakaalam. san nga ba ito? mayroon nga bang ganito?


nakaupo. nakayuko. nangungulila. nangungulila. nangungulila sa iyo...




nawa'y matapos na ang paghihirap na ito. sana'y lumipas na ang mahabang panahong katumbas ng apat na taon.

Saturday, October 08, 2005

wooosh

wala nang nagbabasa ng blog. wala nang nagsusulat sa blog. wala na. wala na.



wala nang magawa sa dorm. tatlong araw na walang pasok dahil independence day nila sa monday. asteg kaya, october ten. double ten. haha. sana december twelve na lang independence day natin. o kaya june six. para masaya. :D


hmmm... ayoko nang kumain ng taiwanese food. mapanghe. kelangan pagkumakain ka nun hindi ka nag-iisip kasi baka kung ano maisip mo. kadiri. tapos oily talaga. as in kikintab plato mo after eating. nax! slang!


wala na akong balita sa mga tao sa pinas. as in wala na. walang nag-iemail. walang nagooffline msgs. wala. wala. wala. sayang ang technology at internet. haha. post naman kayo sa tagboard o. woooshh..... kelangan ng publicity. kelangan ng advertisement. kelangan sumikat. tapos sasakupin ko ang mundo!!!! bwahahahahahaha!!!!(waw, nahahawa na ako sa russian influence)


ayun. tinatamad na ako magsulat. hindi witty ang mga lines ko. kelangan ko ng speech therapy. actually, kelangan ko ng therapy para sa lahat. sige.. paalam. :D

Wednesday, October 05, 2005

tuuuuuubbbeeeegggg!!!!!!!!!!!!

alang tubig sa dorm ngayon... nanlalagkit na ako... arg... ano ang gagawin ko...



a. lalabas at sa school building maliligo?

b. aantaying magkatubig sa dorm hanggang mag-umaga

c. hindi maliligo ngayong gabi...



huwwwatt???? hindi ko kaya yun! wahhh... nagbababaan ang mga tao pati yung mga babae sa taas dahil kailangan nila maligo... at xempre kelangan ko ren. wahhh...



dilamna... dilemna...

Tuesday, October 04, 2005

ni de wei shiao hen ke ai

ayun. galing ako sa new york lounge kanina at marami akong nakilalang mga taiwanese... pero nako! ang "babango " nila!!! sarap singhutin! yuck! at least natuto kaming mangutang in taiwanese. haha. nalaman kong ang f4 ay "sissies". ang korni pala talaga nila dito. pero marami ring sikat na koreanobela dito. naka intsek nga lang... arg...

sa food tayo. ang mahal ng food dito. ngayoon ko lang nararamdaman dahil nauubusan na ako ng NT"s... kelangan ko na tuloy ipapalit yung iba ko pang dolyar. (wah, sounds rich no? pero hindi talaga). kelangan ko ring kuntrolin ang sarili ko. araw araw akong napapabili ng cold coffee drink, milk chocolate at snickers. waaaaah... e kasi naman yung pagkain sa baseement, kahit edible ay mabaho... at MALANSA. ano ba? as in pag bumili ka ng kahit anong fried ay malulunod ang kanin mo sa mantika.

ang boring na rito. wala nang magawa. pero mejo mabilis ang oras dito. hindi mo namamalayan na lumilipas ang oras. pangatlong linggo na pala namin to? ganun. as in. mis ko na kayo... haiii... kelan nga ba tayo muling magkikita? haiii....

P.S. meron ditong dalawang cute na girls. name nila Bess at Taylor. lagi silang magkasama tapos pagmagkasama sila muka silang mga tibo na nagjojowaan... *evil laugh* :D

Sunday, October 02, 2005

trip to jerusalem

actually. hindi dapat ganyan yung title ng post na ito. naalala ko lang yung kanta ng eheads kaya yun ang isinulat ko. pero ang totoo, trip to taoyuan city dapat.

ayun nga pla.. alam nyo ba mas mahal ang normal meal dito ng mcdonalds kesa sa happymeal? yung valuemeal nila dito NT99 at yung "kuaile"meal nila ay NT79 lang! kaya happy meal ang kinain namin kanina :D

tapos ang taiwanese counterpart dito ng g-tech na pilot ay hi-tech ang tawag. and comparatively, same price lang sila ng g-tech even if converted to the philippine peso. ayos noh?
pero ang mahal ng mechanical pencil nila dito. siyempre pilot ren yung pinili ko diba... NT59. wala pang free lead yun. nako...

ayan, dahil college student na ako, bumili na ako ng aking planner. to map out my savings and daily consumption. saka para na rin organized diba... yun siguro kulang sa buhay ko... organization.. saka...

ayun. so ganun. ang saya mag-adventure sa mga lugar na hindi mo pa napupuntahan. lalo na kung libre lahat ng expenses mo diba? haii... next time i'll do it with my friends.. :D