Friday, October 28, 2005

asar

ayan.. naasar na ako. ang haba na ng tinaype ko at biglang nagloko ang bintana XP. ano ba kasi.. wart.



hehe.. di ko na tuloy maalala kung anong mga pinagsusulat ko dun sa nauna... ayun! mejo may idea na ako..




ang busy ng linggong ito. una, yung tutorial sa computer science. sunod yung essay sa english composition. biography ang hanap ni shit... este.. schmidt pala. tapos yung pinapagawang webpage ng office namin (yup, may deadline ang paggawa nun. at kelangan ko pang itranslate lahat... o ipatranslate... wart!). eto pa, yung project sa computer science na fifteen pages... hmm.. fifteen pages? hindi pa ako nakakagawa ng project na fifteen pages sa buong buhay ko. is it just me or talagang mahirap siya? deadline ay yung day before christmas. tapos.. tapos.... meron pang impending midterms... yung may concrete date pa lang ay yung sa calculus. sa ikalabing-isa ng nobyembre. peste. hindi na pinatawad ang kaarawan ko. tanging nanay na nobyembre yan... pahirap sa buhay.


tapos, nagungulelat pa ang sweldo ko. ewan ko ba kung bakit. siguro mga three hours max na ang namimiss kong work per week pero lumalabas na kulang ako ng twenty hours.. TWENTY HOURS!!!! isang linggong pagkain din yun! hindi ko alam kung anong nangyari. nakalista naman lahatng pagpasok ko. siguro may elyen na kumontrol sakin tuwing matatapos ang working hours ako na pinipigilan ang paglog ko sa time-in/time-out ko pero naiiisip ko na naglolog parin ako... ang "cool" siguro nun...


ang cute nung mga keychain sa vending machines dito. oo, granted na mahal siya at ang possibility na parehas ang makuha mo sa second try is about 20% at pataas ng pataas yung the more na tinatry mo siya. pero at least may makukuha ka (hindi tulad ng mga pesteng crane machine na yan).haiii... ayoko na...


ang buhay sa taiwan ay parang gulong ng palad. walang sense. kasi wala naman talagan gulong ang palad. bakit nga ba sa palad. pede namang gulong ng kotse. gulong ng kalesa. bakit nga ba palad? para magandang pakinggan? maganda nga bang pakinggan?
napakabland ng buhay dito. boring. tiring. nakakasawa. in short, boring, tiring at nakakasawa. obyus ba? bored na bored ako dahil hindi ko lama ang gagawin ko tuwing may time ako (pero hindi ko talga naiisip na gumawang mga requiements...). tiring kasi nakakatamad malakad papuntang computer room.. o seven11. nakakasawa kasi.. kasi paulit-ulit lang ang mga salitang ginagamit ko. napansin mo ba?


ayan, nawawalan na ng sense talaga. nawawala na ang reason sa utak ko. nawaala na ang utak ko...


ayan na.. parating na.. parating na talaga... parating na isang walang kakwenta-kwentang week-end.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home