Friday, August 12, 2005

patutungan...

asteg sana itong araw na ito, hindi nga lang umayon sa plano. ewan ko ba pero halos lahat ng mga plano ko hindi naman natutuloy.

ang plano ko sana ngayong araw na ito ay pupunta ako sa mcdo carpark ngayong hapon. Ayon sa mga bali-balita, marami daw kabatch akong pumupunta dun pag friday ng hapon. haha, kahit daw taga uplb nandun. o dba, asteg?
pagkatapos sana dun (mga 4pm) deretso na sa entertainment live ng SMnorth para sa gig ng rivermaya (yeah! may ilalabas daw silang album bago matapos ang taon). tapos pagkatapos nun, punta sa araneta (dahil hindi na aaot sa ESKAPO) para sa funkfest. Mejo ang aasahan ay puno, malgkit at mabahong gabi pero oke lang, marami namang banda at wala na akong seleponong mawawala pa ;p

kaso nga hindi na natuloy. una may bagyo at hanlakas ng hangin at ulan dito kaya di ako makaalis ng bahay. pangalawa, maxado nang gabi at wala akong matutulugan lugar kundi umuwi sa aking napakalayong bahay. pangatlo, kahit makarating ako dun ay wala na akong masisilungan. pang-apat, wala na akong pera....

eto pa ang isa, ate ko nakaisip neto... dapat magpapadespedida ako... dapat dun sa dish. sa aug17, mayonnaise at hale ang tutugtog, marami nang artista, masarap pa ang pagkain.

kaso hindi na ren natuloy. una, maxado pangmaaga para magpadespedida. pangalawa, mukang ayaw ng parents ko magpadespedida ako. pangatlo, masasabaw sa blow-out ng ate ko kaya di mapagtuunan ng pansin. panga-apat, parehas sa itaas...

ang masaya lang dun, makakasama ako sa dish ;p

hehe, haaaiii.... sige, susulusyonan ko pa angakingmga problema kaya...
paalam muna... ;p

Thursday, August 11, 2005

strike two

yey! second skin is now up! and its... naruto!!! ;p hope you like it! but that's not what blogs are for so...

ayan! Yey, hehe, sa wakas, naipasa ko na lahat ng kailangan para makakuha ng visa (at malapit na ren ang shopping!!!!) at handa na akong lumisan upang kalimutan lahat ng dapat kalimutan. ;p siguro kailangan ko na mag-impake noh? beh, hehe, tinatamad nga lang ako... saka hindi naman ko maxado excited e (ows, hindi daw..) basta dadalhin ko gitara ko! walang kokontra! wahehe. ano ba dapat dalhin ko dun? hmmm... ilang maleta kaya pwede.. huwaw, hindi rin ako atat noh... ;p

nga pala, kanina nakuha ko na ung pinaburn ko na cd sa ate ko, yeah, opm rocks!!! pero dapat hindi tayo namamayreyt at suportahan natin ang pinoy artist! (exception lang ako, hehe) ang masama lang nun, hindi nakuha ung lunes ng join the club... maganda sana un kaso hindi siya sikat.. waw.. naisip ko wala ako maxado magagawa dun..

speaking of, meron na akong chinese dictionary pero tinatamad lang akong basahin... tah sh hen sing... ;p
nga pla, sana pagdasal nyo naman si joarlyn, me sakit siya ngayon... ;p
yun na lang muna ngayon, hanggang sa muli, paalam! ;p

Saturday, August 06, 2005

creative minds

bakit nawawalan na ng creativity ang pilipino? bakit marami sa atin ang nanggagaya na lang sa mga nakikita natin? well, hindi ko naman sila masisisi. minsan nakakagaya ka ng hindi mo sinasadya... pero minsan talaga ay garapalan na. ano ba! alam kong matatalino tayong lahat ngunit bakit hindi natin gamitin ang ating imahinasyon? lagi na lang bang magiging second rate ang mga pinoy? tignan mo ang mga pelikula natin. sa totoo lang bilib ako dun sa pelikulang 'pinoy/blonde'. maganda ang kanilang mga pinakikitang ideya. hindi makaluma. (pero pangit daw istorya e... :( ) pero at least sumasabay siya sa paggamit ng bagong teknolohiya. bakit ba halos laging pang MMFF lang ang magagandang pelikula? katunayan, marami sa mga pilipino ang magagaling umarte... yung iba nga lang O.A. pero hindi ba mas maganda kung lahat ng ating makikita sa pilipinas ay world class? hmm...oo, mahirap siya mangyari pero maaari parin siyang mangyari diba? sa mga palabas sa ating mga telebisyon... hindi ba pwedeng ung pagkakakuha sa mga scenes ay makatotohanan? ung pagtinignan mo ay hindi mo mahahalata nasa set lang ginawa o kaya'y blue/green background lang ang ginamit? hindi ba pwedeng smooth ang paggalaw ng mga aktor at aktres lalo na kung gumagamit sila ng harness? haay... hehe, sige, ilabas natin ang tunay na talentong pilipino! maipagmamalaki natin ang pagkakapilipino natin! yeah! ;p