creative minds
bakit nawawalan na ng creativity ang pilipino? bakit marami sa atin ang nanggagaya na lang sa mga nakikita natin? well, hindi ko naman sila masisisi. minsan nakakagaya ka ng hindi mo sinasadya... pero minsan talaga ay garapalan na. ano ba! alam kong matatalino tayong lahat ngunit bakit hindi natin gamitin ang ating imahinasyon? lagi na lang bang magiging second rate ang mga pinoy? tignan mo ang mga pelikula natin. sa totoo lang bilib ako dun sa pelikulang 'pinoy/blonde'. maganda ang kanilang mga pinakikitang ideya. hindi makaluma. (pero pangit daw istorya e... :( ) pero at least sumasabay siya sa paggamit ng bagong teknolohiya. bakit ba halos laging pang MMFF lang ang magagandang pelikula? katunayan, marami sa mga pilipino ang magagaling umarte... yung iba nga lang O.A. pero hindi ba mas maganda kung lahat ng ating makikita sa pilipinas ay world class? hmm...oo, mahirap siya mangyari pero maaari parin siyang mangyari diba? sa mga palabas sa ating mga telebisyon... hindi ba pwedeng ung pagkakakuha sa mga scenes ay makatotohanan? ung pagtinignan mo ay hindi mo mahahalata nasa set lang ginawa o kaya'y blue/green background lang ang ginamit? hindi ba pwedeng smooth ang paggalaw ng mga aktor at aktres lalo na kung gumagamit sila ng harness? haay... hehe, sige, ilabas natin ang tunay na talentong pilipino! maipagmamalaki natin ang pagkakapilipino natin! yeah! ;p
1 Comments:
credit repair counseling quebec, waterkeeper credit river. royal bank of canada credit cards, [url=http://lowcreditpersonalloans.com/content/understanding-credit-proportion]25 000 loan[/url]. credit cards interest free balance transfers line of credit georgia.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home