Saturday, July 30, 2005

mga pangarap

pangarap. kanina paglabas ko ng bahay, ang pinag-uusapan ng mga tambay ay mga pangarap. napag-isip tuloy ako... ano nga ba ang mga pangarap ko sa buhay?


naisip ko, siyempre, ung mga tipikal na pangarap. maka-gradweyt ngkolehiyo, magkaroon ng magandang trabaho, lumigaya at yung iba pang gusto makamit ninuman. pero ganun na lang ba mga pangarap ko? isteryotipikal? naisip ko hindi dapat. pero ano nga ba?


bigla kong naisip na wala pala akong patutunguhan sa aking buhay. lagi na lang iba ang iniisip ko. ano na mangyayari saken pag may maganda na akong trabaho? hanggang duon na lang ba mga pangarap ko? pagkatapos nun pede na akong mamatay? siyempre hindi. pero hindi ko pa siya napagtutuunan ng pansin hanggang ngayon. pero ano pa ba ang meron lagpas doon? marami! hindi ko nga lang alam kung ano...


palagay ko ito na ang tamang oras para isipin ang mga bagay na yan... dapat may direksiyon ang buhay... hindi yung hihintoka na lang sa gitna ng daan....


ikaw, ano ang pangarap mo?

Thursday, July 28, 2005

after noon

ayan, is nanamang entry! yey!
umuwi ako at ang nasakyan kong bus ay hanggang SMfairview lang kaya bumaba pa ako dun. ang bandang bamboo kasi ay magpeperform dun at dapat dun kami pupunta kasama ang mga kaibigan ko (pero mukhang mas importante orange and lemons). ayun, pagdating ko... what!!! mas malala pa sa gig ng hale to (see livejournal entry). may nagsaslamman sa gitna, nakahubad ang t-shirt at may mga tsinelas sa kamay. puro rapok boys ang nanonood! at meron pang isang nagfefeeling na nakasuot ng spiderman (alam ko, merong banda na ung bassist laging naka spiderman costume, di ko lang maalala kung anong banda yun). tulad ng dati, mainit, mabaho, masikip, at magulo. puro sigawan kaya drums na lang maririnig mo sa bamboo. pagkatapos nung gig at pirmahan na nung album, nagdisperse na yung mga tao. aba'y hindi pala bumili ng album. very disappointing. sabi nga ng mga insiders ko mas magulo raw bago pa ako dumating. buti na lang dinelay ako ni centi. ;p kaya eion, umuwi na ako.
yun sumakay na ako sa jip at nung akala kong wala nang interesanteng mangyayari biglang may anim na lalaking sumakay. lahat sila nakaitim. tapos binilang nila ng malakas lahat ng tao sa jip. O: pero salamat naman at hindi kami hinoldap, hehe. naglabas ng wallet. naglabas ng isang libong piso sa kanyang wallet. babayaran daw kaming lahat. oonga pala, yung isanlibo ay kasing laki ng isang notebook pero mukhang isanlibo. haha, natuwa ako bigla. mejo korni pagbinabasa lan at iniimagine, dapat sana nandun kayo, nakakatuwa talaga. hini ko alam kung nagbayad sila bago bumaba dahil nauna akong bumaba (at nagbayad po ako).
but wait! there's more! bago ako bumaba ng jip, may napakatalentadong lalaking sumakay sa jip. kahit may space pa, gusto talaga nyang sumabit. siguro para ipagyabang ang kanyang mutant powers! e kasi ba naman, nakasabit siya sa jip habang NATUTULOG! o, kaya nyo yun? i wanna do that too!!!!!! :D hehe, buti na lang di xa naaksidente. pero pagbaba ko, umupo na siya dun sa inuupuan ko. hehe...
but wait! there's more! ... ay wala na pala... hehe, sige, hanggang dito na lang muna tong entry na to. nag-add nga pla ako ng bagong link sa mga kanta. tignan nyo na lang kung gusto nyo. :D

Wednesday, July 27, 2005

minor changes

hehe, so hindi talaga ito entry.

la lang, nais ko lang sabihin na inayos ko na yung ibang problema sa skin na ito at opo, ayos na po ung mga links (pasensya, baguhan lang ako sa paggawa ng skin...) at leon, linked ka na :D.

hehe, kung may napapansin pa kayong kakaiba sa blog ko, sabihin nyo lang at ikatutuwa ko iyon.
kung may sasabihin kayong hindi related sa blog ko, sabihin nyo parin, malugod kong babasahin :D.

ayan, ayan, yehey!!! yun lang po ;p

at last

at long last! hehe, natapos din ang pagdedesign sa blog na ito, yehey! hehe, tutal yung una kong blog ay nakasulat sa wikang banyaga, ang wikang gagamitin ko sa blog na ito ay angwikang Filipino. wenk! ang galing ko talaga (sabi ko e, oo ka na lang ;p). hehe, cguro maikli muna una kong post para masaya. wahehe, dito ko ngayon isusulat lahat ng aking mga nais at mga pangayayaring nagaganap sa aking buhay. ganun naman talaga gamit ng blog diba? hehe... sa totoo lang.... i'm proud of this blog!!!! hehe, saya ko noh? hello... hello... hello garci? hehe, luma na yung balita yan e, update nyo naman ako lagi sa mga nangyayari senyo o. sak ai-link nyo ako... :D

sige, yun na muna isusulat ko, wenk.