Saturday, July 30, 2005

mga pangarap

pangarap. kanina paglabas ko ng bahay, ang pinag-uusapan ng mga tambay ay mga pangarap. napag-isip tuloy ako... ano nga ba ang mga pangarap ko sa buhay?


naisip ko, siyempre, ung mga tipikal na pangarap. maka-gradweyt ngkolehiyo, magkaroon ng magandang trabaho, lumigaya at yung iba pang gusto makamit ninuman. pero ganun na lang ba mga pangarap ko? isteryotipikal? naisip ko hindi dapat. pero ano nga ba?


bigla kong naisip na wala pala akong patutunguhan sa aking buhay. lagi na lang iba ang iniisip ko. ano na mangyayari saken pag may maganda na akong trabaho? hanggang duon na lang ba mga pangarap ko? pagkatapos nun pede na akong mamatay? siyempre hindi. pero hindi ko pa siya napagtutuunan ng pansin hanggang ngayon. pero ano pa ba ang meron lagpas doon? marami! hindi ko nga lang alam kung ano...


palagay ko ito na ang tamang oras para isipin ang mga bagay na yan... dapat may direksiyon ang buhay... hindi yung hihintoka na lang sa gitna ng daan....


ikaw, ano ang pangarap mo?

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home