Thursday, December 29, 2005

barbero

nako, indi pa ako sanay sa buhok ko. nagpagupit kasi ako kagabi. kaya eto, hindi ko alam kung okay lang o hindi. at hindi ako sanay.

asteg, ang saya. lumabas kami ni rhyan kahapon and guess how much lang ang nagastos namin? hehe, NT150 lang, included evrything na yun a. Ang asteg dun, yung dinner namin ay shabu shabu na. andami ngang food e. tapos may sushi pang naligaw. haha~ (i don't know but i don't have a liking on sushi).. talagang binusog nga kami dun e. na-overdose din ako kahapon ng greentea. kasi ba naman mula umaga pa lang ay green tea na lang ang ininom ko. pero kahapon lang naman yun e. tinry ko lang yung sinabi sakin ng friend ko (sugarfree nga pala green tea dito, like all the other teas).

after nung shabu-shabu at pagkatapos mabusog sa hipon at tofu at iba pang meat (at gulay), ayun, nagpagupit na kami. mejo late na nga nun e. 9 magsasara yung barbershop at 8:45 kami dumating. pero mura lang siya. as i've said, NT150 lang, at may wash pa. hindi ko alam kung yun ay dahil students kami pero hindi naman nila hiningi ID namin e. tapos binigyan pa kami ng card. after three haircuts daw bibigyan kami ng gel. san ka pa?

ang masaya pa dun, libre yung transpo. may car kasi friend namin e (actually hindi pala talaga sa kanya yung car) kaya sobrang tipid namin. enjoy pa. :D

i should do this more often now... :)
(at sana mabilis humaba buhok ko)
i miss my hair.... :(

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home